Muling nangamote ang Washington Wizards nang mabokya na naman nang talunin ng kahit kulang na mga players na Chicago Bulls, 133-130.
Ito na ang ikalimang talo ng Wizards samantalang kulang ang Bulls ng apat na players na sumasailalim sa NBA health protocols.
Nanguna sa Bulls sina Otto Porter na tumipon ng 28 points at si Zach LaVine na nagdagdag ng 22.
Pitong mga players ng Chicago ang nagtala ng double figures para sa kanilang ikalawang panalo sa limang games.
Maging ang ikaapat na triple-double ni Russell Westbrook na may 22 points, 10 rebounds at 11 assists at tig-28 points nina Thomas Bryant at Bradley ay hindi rin umubra sa bangis ng Bulls.
Ang next game ng Bulls ay ang pagtungo sa Milwaukee sa Sabado.
Ang Wizards ay dadayo sa Minnesota para sa nag-aantay na apat na mga games.