Makikisama na rin si Houston Rockets guard Russell Westbrook kay Sen. Kamala Harris at iba pang kilalang persoinalidad sa gagawing Juneteenth block party upang tapatan din ang political rally ni US President Donald Trump na gaganapin sa Tulsa, Oklahoma.
Ang pagkilos nina Westbrook ay makakabahagi rin ang ilang mga kilalang entertainers, artists at mga activists isang araw matapos ang paggunita sa Black Liberation na ginaganap tuwing June 19.
Ang selebrasyon din bukas ay kasabay naman sa campaign rally ni Trump sa siyudad.
Ang iba pang mga guests ay inimbitahan din sa pamamagitan ng party website.
Nilinaw naman ng manager ng dating NBA MVP na ang paglahok ni Westbrook ay sa pamamagitan din ng virtual.
Kung maaalala si Westbrook ay unang naglaro ng kanyang 11 NBA seasons sa ilalim ng Oklahoma City Thunder kaya espesyal ang kanyang relasyon sa lugar.
Una nang inanunsiyo ni Westbrook noong nakaraang linggo na tatayo rin siyang producer sa ilalabas na documentary sa tinaguriang 1921 Tulsa race massacre na may titulong “Terror In Tulsa: The Rise And Fall of Black Wall Street.”