Kumayod nang husto ang Oklahoma City Thunder upang pahiyain ang Trail Blazers, 129-121 sa overtime, sa baluwarte ng kanilang kalaban sa Moda Center sa Portland.
Nagsama ng lakas sina Russell Westbrook at Paul George upang iligtas ang Thunder mula sa mistulang one-man show ni Damian Lillard, dahilan para manatili ang Oklahoma sa third spot sa Western Conference tangan ang 40-25 record.
Tumipon ng 37 points si Westbrook, kabilang na ang 3-pointer na naging mitsa upang makalamang ang Oklahoma sa nalalabing bahagi ng laro, 118-117.
Nag-ambag naman ng impresibong 32 points, 14 rebounds, anim na assists, at tatlong steals.
Sa hanay naman ng Portland, nagpasabog ng 51 points si Lillard sa kanyang 15-of-28 shooting at 18-of-20 sa free throw line, ngunit hindi ito naging sapat, rason para matanggap nila ang ikalawa nilang dikit na pagkabigo.
Hindi rin nagtagumpay ang Blazers (39-26) na mapigilan ang pagwalis sa kanila ng Thunder ngayong season.