-- Advertisements --
Kumolekta ng 41 big points si Russell Westbrook para bitbitin ang Houston Rockets tungo sa 121-111 tagumpay kontra Los Angeles Lakers.
Hindi rin nagpahuli sa kanyang Rockets debut si Robert Covington na pumukol ng dalawang clutch 3-pointers sa huling sandali, at nagtapos na may 14 points at walong rebounds.
Nalimitahan naman sa 14 points si James Harden.
Bagama’t abante pa ang Lakers, bumangon ang Houston mula sa four-point deficit sa nalalabing bahagi at tinapos ang bakbakan sa paghulog ng 19-5 bomba tampok ang dalawa sa apat na 3-pointers ni Covington.
Sumandal ang Los Angeles kay Davis na tumipa ng 32 points at 13 rebounds, habang may 18-point, 15-assist at nine-rebound performance naman si LeBron James.