Bukas umano ang dating NBA MVP na si Russell Westbrook ng Oklahoma Thunder na mailipat sa ibang team lalo na sa Miami Heat.
Lumutang ang naturang isyu matapos na tumalon na rin sa kabilang bakod ang teammate na si Paul George sa Brooklyn Nets upang maka-tandem si Kawhi Leonard.
Liban dito, kinausap na rin daw si Westbrook ng kanilang general manager na si Sam Presti na maaari itong i-trade upang wakasan na ang 11 taon na pananatili sa Thunder.
Sa ngayon umano ay nagpapatuloy ang diskusyon ng agent ni Westbrook na si Thad Foucher sa ibang team na nagnanais na makuha ang serbisyo nito.
Ang 30-anyos na basketball superstar ay meron pa sanang natitirang kontrata sa Oklahoma na $170 million mula sa four years contract.
Una rito sa loob ng tatlong araw ay anim na mga future first round picks ang nakuha ng team dahil sa trades.
Kabilang dito ang resulta sa trade sa Clippers kay George at sa Denver Nuggets sa katauhan ni Jerami Grant na naging katumbas ang dalawang first-round picks (2021, unprotected at taong 2023, protected) sa pamamagitan naman ng Heat.
Kung sakaling matuloy ang paglipat ni Westbrook sa Miami ay makakasama niya ang bagong lipat din na All-Star guard na si Jimmy Butler.