Hindi na naitago ng NBA superstar na si Russell Westbrook ang kanyang pagkayamot sa Los Angeles Lakers head coach na si Frank Vogel.
Ang pagbatikos ni Westbrook ay kasunod ng ikalawang magkasundo na hindi siya ipinasok ng kanyang coach sa fourth quarter ng pagkatalo ng Lakers sa Milwaukee Bucks.
Noong Linggo naman hindi rin nasilayan ang dating MVP sa overtime win ng team.
Nang matanong ng media ay dito na binanatan ni Westbrook si Vogel dahil hindi raw niya maintindihan ang sistema ng lineup decisions nito.
Aniya, hindi rin niya alam kung kelan siya lalaro at kung kelan siya ipapasok.
“You never know when you’re coming in, you never know when you’re coming out. You never know when you’re playing, you never know,” ani Westbrook.
Sa ngayon ang Lakers ay nalaglag pa sa 26-29 record.
Ilang mga fans naman ng team ang ibinubunton ang sisi kay Westbrook kaya ang iba sa mga ito ay nananawagan na i-trade na ito sa ibang team.
Para naman kay Westbrook, kahit man may sablay siya sa mga lalaro maasahan pa rin siya sa mga huling sandali o clutch games.