-- Advertisements --
Russel Westbrook
Russel Westbrook/ NBA photo

May bagong pinagkakaabalahan ngayon si NBA star Russell Westbrook.

Bukod kasi sa basketball ay naglunsad ito ng foundation na nagtuturo sa mga at-risk young adults ng paggamit ng drones.

Kasama niya rito ang American businessman na si Chad Brownstein at LA Conservation Corps.

Layon ng nasabing programa ay para turuan ang mga kabataan sa digital skills para sila ay makakuha ng mataas na uri ng trabaho sa tech field.

Hindi lang kasi itinuturo ang coding at computer engineering at sa halip ay natutunan din nila ang “advance drone piloting career path program.

Sinabi ni Westbrook na alam niya ang pakiramdam ng nabibigyan ng suporta at lakas ng komunidad.

Pinondohan din ng dalawa ang state of the art computer lab para sa mga kabataan na walang kakayahan na makabili ng mga computer.