Nakahinga nang maluwag ang mga residente sa Western Canada dahil sa pag-ulan na siyang inaasahang maging turning point kasunod ng aktibo at malawakang wildfires sa naturang bansa.
Nasa tatlong-libong mga bombero mula sa labing-pitong ahensya ang naka-deploy pa rin at may higit 400 mga sundalo mula sa Canadian military.
Sa lalawigan ng Alberta kung saan idineklara ang state of emergency, higit walumpo pa ang recorded na active wildfires kabilang na ang 23 na itinuturing pa rin na “out of control.”
Tinatayang 10,000 pa ang nananatili sa evacuation centers.
Ayon sa Environment and Climate Change Canada, magpapatuloy ang pag-ulan ngayong linggo sa western parts ng lalawigan ngunit inabisuhan rin ang publiko na maari itong magdulot ng pagbaha.
Ayon naman kay Bombo Valen Jude Jambaro, international correspondent sa Canada, sa ngayon nagpapatuloy ang aid ng gobyerno at mga volunteers sa evacuation centers lalo na sa First Nations communities kabilang na ang Edmonton, Calgary, Drayton Valley, Edson at Grande Prairie.
Napag-alamang dahil out-of-control na ang wildfires sa iilang lugar sa Canada ngayong fire season, una nang humingi ng tulong Canadia government sa United States, Mexico, Australia at New Zealand.