Tinalo ng Oklahoma City Thunder ang Minnesota Timberwolves na siyang top team sa Western Conference ng National Basketball Association.
Nagawa ng OKC ang naturang panalo sa pamamagitan ng 105 points na pinagsama-samang score ng limang starter ng koponan: 34 points ang nagawa ni Shai Gilgeous-Alexander, 20 points mula kay Chet Holmgren, 21 points mula kay Jalen Williams, 20 points mula kay Lu Dort, ay 10 points 7 assists mula sa bagitong si Josh Giddey.
Mistulang basang sisiw ang mga player ng Western Conference top team na Wolves matapos silang kumamada ng kabuuang 21 turnover sa kabuuan ng laro.
Ito ay dahil na rin sa magandang depensa na ipinakita ng Thunder.
Dahil na rin sa magandang depensa, nagawa ng Thunder na limitahan lamang sa 16 points ang bigman na si Karl-Anthony Towns habang umabot lamang sa sampung puntos ang nagawa ng sentrong si Rudy Gobert.
Gumawa naman ng 25 points si Wolves point guard Anthony edwards ngunit hindi ito naging sapat upang pigilan ang nag-iinit na Oklahoma.
Sa kabila ng pagkatalo, hawak pa rin ng Wolves ang top spot sa Western Conference, sunod ang defending champion na Denver Nuggets habang pangatlo rito ang Oklahoma City Thunder.