ILOILO CITY – Ideneklara nang bird flu- free ang buong Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dennis R. Arpia, Executive Director ng Department of Agriculture Western Visayas, sinabi nito na wala nang may na-record na kaso ng Avian Influenza sa iba’t-ibang lalawigan sa rehiyon.
Una rito, ideneklara nang Avian Influenza free ang lalawigan ng Capiz kung saan unang na-record ang kaso sa Western Visayas noong Disyembre ng nakaraang taon.
Kahit na bird flu- free na ang rehiyon, umapela parin ang Department of Agriculture Western Visayas sa lahat ng mga stakeholders na sisikaping maprotektahan ang industriya ng sang multi-billion poultry sa rehiyon.
Tiniyak naman ng ahensya na mayroon pa ring sapat na suplay ng manok at itlog ang Western Visayas.