-- Advertisements --

BOMBO ILOILO – Western Visayas, nakapagtala na ng stray bullet incident

ILOILO CITY – Ipinag-utos na ni Police Regional Office VI Director Police Brigadier General Leo Francisco ang malalimang imbestigasyon sa pinakaunang stray bullet incident na naitala sa Western Visayas.

Sa Barangay PHHC Mandurriao, Iloilo City, maswerte na hindi tinamaan ng bala si Aisa Lobo na umuupo sa sofa sa loob ng kanilang bahay.

Ang nasabing barangay ay isang populated area.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Brigadier General Francisco, sinabi nito na pinadala na para sa forensic examination ang nasabing bala upang malaman kung sino ang may-ari ng baril na ginamit sa pagpaputok.

Ngunit malalaman lamang ito kung ang baril na ginamit ay lisensyado.

Sa kabila ng natalang stray bullet incident, nilinaw ng opisyal na isang isolated incident lamang ito at napanatili na generally peaceful ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa Western Visayas.