Binisita ni Western Mindanao Command (WestMinCom) Acting Commander Maj. Gen. Generoso Ponio ang mga tropa sa probinsiya ng Sulu, ilang linggo matapos maupo sa pwesto.
Sa pag bisita ni Ponio sa Sulu kaniyang iginiit sa mga sundalo na ipagpatuloy ang kanilang momentum sa pagsugpo laban sa mga teroristang Abu Sayyaf at palakasin ang ugnayan sa mga lokal na opisyal ng Sulu para mapanatili ang peace and order sa nasabing probinsiya.
Sa talk to men ng Heneral kaniyang pinuri ang “untiring dedication and selfless” service ng mga sundalo na naging daan sa matagumpay nilang mga accomplishments.
“My first time in Sulu was during my lieutenant days as a team leader of the scout ranger. Now, when I look at Sulu, it just feels different. Same majestic scenery, but totally safer. We should keep in mind that this became possible not only because of our military offensives, but more on the effective partnership with the local chief executives,” pahayag ni MGen. Ponio.
Hinimok din ni Ponio ang mga sundalo na panatilihin ang kanilang pagiging masigasig sa kanilang mandato at misyon ng sa gayon magtuloy-tuloy na ang peace and development sa Sulu.
Nakipag-pulong din si MGen. Ponio kay Sulu Gov. Abdusakur Tan sa Provincial Capitol ng Sulu.
” I strongly believed that our pursuit for peace and development will succeed by employing the holistic approach which demands everybody’s participation. Hence, I encourage active interagency collaboration and continued support from the government units to our thrusts,” wika n MGen. Ponio.
Sa kabilang dako, iprinisinta ni 11th ID at Joint Task Force Sulu Commander MGen. William Gonzales kay MGen. Ponio ang mga naging accomplishments nila sa probinsiya ng Sulu.
Pinarangalan naman ni MGen. Ponio ng bronze cross medals ang 10 military personne dahil sa kanilang valiant act bilang mga responders sa isinagawang search and rescue operation matapos bumagsak ang C-130 aircraft nuong July 4,2021.