Nangako ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESTMINCOM) na ibibigay nito ang best effort para matiyak ang seguridad sa BSKE 2023.
Ayon kay WESTMINCOM Commander Maj. General Steve Crespillo, magbabantay ang militar sa Western Mindanao upang makapagbigay ng sapat at nararapat na seguridad sa publiko, kasama ang iba pang law enforcement agencies sa bansa.
Tiniyak din ng heneral na magdedeploy ang militar ng mga tauhan nito upang magiging katuwang ng PNP sa monitoring lalo na sa mga high risk areas na may mataas na banta.
Siniguro rin nito ang mahigpit na koordinasyon kasama ang kanilang counterpart upang magkaroon ng coordinated effort sa pagtiyak sa seguridad ng buong Mindanao.
Una nang nagsagawa ang pagpupulong ang mga stakeholders sa bahagi ng Mindanao, na kinabibilangan ng Philippine Coast Guard (PCG), AFP, PNP, at maging ang COMELEC.