Tiniyak ni Western Mindanao Command (WestMinCom) chief, Lt. Gen. Cirilito Sobejana na hindi na mauulit pa ang Zamboanga siege noong 2013.
Ang pahayag ni Sobejana ay kasunod sa report na plano umanong salakayin ng Moro National Liberation Front ang Zamboanga mtapos tanggihan ni Mayor Beng Climaco ang hiling ng mga ito na magsagawa ng rally ang MNLF sa siyudad.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Sobejana, kaniyang sinabi na bagama’t walang katotohanan ang mga kumakalat na mensahe, hindi naman nila ito minamaliit.
Ipinag-utos na ni Sobejana sa mga military commanders sa ground na palakasin ang kanilang intelligence monitoring at security measures.
Siniguro naman ni Sobejana sa mga Zamboanguenos na hindi na mauulit pa ang nangyaring Zambo siege.
Sa ngayon naka-alerto ang pwersa ng militar sa Mindanao lalo na sa Zamboanga City.
Ipinag-utos na rin ni Sobejana sa mga military commanders na mahigpit imonitor ang galaw ng mga armadong grupo sa kanilang mga areas of responsibilities.