-- Advertisements --
Edwin Roberto at Liezel Santos

Hindi pa rin ligtas sa kaso ang dalawang whistleblowers sa “ghost” dialysis patient scam ng WellMed Dialysis Center.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), kakasuhan din nila ang lumutang na whistle blower na sina Edwin Roberto at Liezel Santos ng estafa at falsification.

Una nang sinabi ng NBI na sasampahan din nila ng kaso ang isa sa mga nagmamay-ari ng WellMed na si Brian Sy at mga opisyal ng Philhealth.

Pasado alas-4:00 kanina nang dumating sa Department of Justice (DoJ) si Sy at isinailalim ito sa inquest proceedings.

Kasama rin sa isinailalim sa nasabing proseso ang dalawang whistleblowers.

Kinumpirma rin ni Atty Cris Jandusay, abogado ng whistleblowers na kasama sa under arrest ngayon ang dalawang whistleblowers.

Nangangahulugan ito na bukod kay Sy, nagpalipas din ng magdamag sa kustodiya ng NBI ang magkarelasyon na whistleblowers.