-- Advertisements --
Ibinunyag ng whistle blower sa impeachment complaint laban kay US President Donald Trump na tinangkang harangin ng White House ang mga detalye ng kontrobersyal na phone call.
Sa bagong inilabas na reklamo, itinago ang nasabing detalye ng tawag sa kakaibang computer system.
Inilagay umano ito sa system kung saan inilalagay ang mga classified information.
Magugunitang inilabas ng White House ang detalye ng usapan ng US at Ukraine President.
Inamin ni Trump na kaniyang pinatigil ang $400 milyong tulong sa Ukraine.
Paglilinaw din ng US President na ang ginawa nito ay hindi pag-pressure sa Ukraine para imbestigahan si dating Vice President Joe Biden na ang anak nito ay nagtatrabaho sa oil company sa Ukraine.