-- Advertisements --

Hinamon ng abogado ng whistleblower sa impeachment complaints kay US President Donald Trump ang mga Republicans na isumite ang mga tanong sa kliyente nito para hindi na sumalang sa impeachment hearing.

Ayon kay Mark Zaid, ang abogado ng whistle blower, na ito ay para maiwasan ang paggisa sa nasabing whislteblower.

Nauna ng nanumpa ang whislteblower na kaniyang sasagutin ang mga tanong mga mambabatas sa impeachement inquiry subalit nagbago ng desisyon ang abogado nito.

Dagdag pa ni Zaid na ang mga Republicans kung saan kapartido ni Trump ay may planong ilabas ang pagkakakilanlan ng kaniyang kliyente na siyang magdadala sa panganib sa kaligtasan nito.

Magugunitang inimbestigahan si Trump dahil sa pagtawag nito sa pangulo ng Ukraine na pinapaimbestigahan ang katunggali nito na si dating president Joe Biden.