-- Advertisements --
trump volodymyr

Hinihikayat ngayon ng Democrats ang mga witness na lumutang at makipagtulungan sa kanilang imbestigasyon hinggil sa kontrobersiya na kinasasangkutan ngayon ni US President Donald Trump.

Ito ay matapos maglabasan ang impormasyon na isang opisyal mula Central Intelligence Agency ang whistleblower na nagsiwalat sa di-umano’y tangkang pagtatago ng White House officials sa detalye ng naging usapan sa telepono nina Trump at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Inakusahan din ng ng naturang whistleblower ang American president nang pang-aabuso sa kaniyang kapangyarihan upang subukan na guluhin ang nalalapit na 2020 presidential election.

Ngayong araw ay nagisa rin si acting National Intelligence Director Joseph Maguire matapos nitong humarap sa pagdinig ng US House of Representatives Intelligence Committee.

Sunurang tinig nina acting National Intelligence Director Joseph Maguire at Committee Chairman Adam Schiff.