Tinangka umanong itago ng White House ang detalye ng kuwestyunableng request ni US President Donald Trump sa presidente ng bansang Ukraine.
Ito ay kabilang sa pagbubulgar nang tinaguriang whistleblower na siyang pangunahing testigo sa reklamo laban sa Presidente ng Amerika.
Ayon sa complaint ng whistleblower, ang kontrobersiyal na call transcript ay itinago umano o “ni-lock down” sa hiwalay na secret classified information na nakalaan sa “codeword-level intelligence information” at hindi sa kadalasan ay computer system na ginagamit.
Kung maalala batay sa inilutang na transcript hiniling ng lider ng Amerika na imbestigahan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang kanyang kalaban sa politika na si Joe Biden at anak nito na si Hunter Biden ukol sa negosyo.
Ang complaint ng whistleblower ay isinapubliko na rin kasabay ng pagsisimula ngayong araw nang pagdinig ng US House of Representatives intelligence committee kung saan humarap si acting National Intelligence Director Joseph Maguire.
Noong una raw tumanggi ang intelligence chief na ibigay sa Kongreso ang whistleblower complaint.
Nagisa naman ng husto si Maguire sa mga katanungan ng mga miyembro ng komite.
“I am aware that this is unprecedented,” ani Maguire sa whistleblower complaint laban sa Presidente. “This has never happened before. This is a unique situation.”
Para naman sa chairman ng komite na si Rep. Adam Schiff mabigat na ebidensiya ang reklamo ng whistleblower laban kay Trump.
“The presidential oath of office requires the President of the United States to do two things: Faithfully execute his or her office, and protect and defend the Constitution.
The whistleblower complaint and call record provide the most graphic evidence yet Trump has done neither.”
Nakapaloob pa sa naturang reklamo ang paggamit umano ni Trump ng kanyang kapangyarihan na payagang makialam ang isang dayuhang bansa sa US 2020 election.
Isa aniya itong “pag-abuso at seryosong paglabag” ni Trump sa mga batas.
“This set of actions underscored to me that White House officials understood the gravity of what had transpired in the call,” pahayag ng whistleblower sa kanyang complaint.
Kaugnay nito sa kanyang statement todo pasalamat si Schiff sa testigo kasabay nang pagtiyak na bibigyan nila ito nang sapat na proteksiyon.
“This complaint should never have been withheld from Congress. It exposed serious wrongdoing, and was found both urgent and credible by the Inspector General. This complaint is a roadmap for our investigation, and provides significant information for the Committee to follow up on with other witnesses and documents. And it is corroborated by the call record released yesterday. I want to thank the whistleblower for having the courage to come forward, despite the reprisals they have already faced from the president and his acolytes. We will do everything in our power to protect this whistleblower, and every whistleblower, who comes forward. The public has a right to see the complaint and what it reveals.”
Bilang reaksiyon, agad namang umalma si Trump.
Ayon sa kanya hindi umano dapat payagan na umusad ang impeachment process laban sa kanya.
Mariin din niyang binatikos ang mga Democrats dahil sa pamumulitika na siyang nagmamaniobra raw upang siya ay patalsikin sa puwesto.