-- Advertisements --
Army Lieutenant Colonel Alexander Vindman 2

Naalarma umano ang isang senior White House official nang makarating sa kaniya ang balita na pag-uutos ni President Donald Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na imbestigahan ang mahigpit nitong kalaban sa pulitika na si former Vice President Joe Biden.

Si Army Lieutenant Colonel Alexander Vindman ang kauna-unahang White House staff member na humarap bilang testigo sa Democratic-led House of Representativees inquiry upang patalsikin ang Republican president.

Umabot ng halos 10 oras ang pagbibigay ni Vindman ng kaniyang closed-door deposition kasabay nang kumpirmasyon ng Democrats na magsasagawa ang mga ito ng public hearings maging ang pagsasapubliko ng report sa naturang impeachment inquiry.

Pagsisiwalat ng Iraq war veteran, hindi raw tama na magrequest ang US mula sa isang foreign government na imbestigahan ang isang U.S citizen.

Ikinababahala rin daw nito ang mga implikasyon para sa U.S government dahil sa suporta na ibinibigay nito sa Ukraine.

Aniya, sa oras na simulan ng Ukraine ang nasabing imbestigasyon ay posible itong ma-interpret bilang partisan play at maaaring magdulot sa Ukraine ng bipartisan support na magdudulot naman ng kapahamakan sa seguridad ng buong bansa