-- Advertisements --

Nakausap na ng mataas na opisyal ng White House ang chief operating officer ng CrowdStrike ang cybersecurity company na pinagmulan ng malawakang global IT outage na nakaapekto ng maraming negosyo, paliparan at mga bangko sa buong mundo.

Ayon kay deputy national security advisor for cyber and emerging technologies on the National Security Council Anne Neuberger na kaniyang tinawagan si CrowdStrike CEO George Kurtz para tiyakin na ang problema ay hindi dahil sa malicious attacker.

Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang ginagawang assessment kung magkano ang naging epekto ng nasabing global outage.

Naabisuhan na rin nito si US President Joe Biden ukol sa nasabing usapin.

Una ng humingi ng paumanhin si Kurtz na ang nasabing insidente ay dahil sa “faulty update” ng kanilang computer system.