-- Advertisements --
Dumepensa ang White House sa ginawang papataw ng pardon ni US President Joe Biden sa anak nitong si Hunter.
Sinabi ni White House press secretary Karine Jean-Pierre, na ang desisyon ay isang mahirap para sa pangulo.
Ilang buwan na kasi nitong pinag-isipin at kaniyang napagdesisyunan na patawan ng presidential pardon ang anak.
Binigiyang linaw nito na naniniwala pa rin ang pangulo sa justice system at sa department of justice hamak lamang na na-singled out politically ang kaniyang anak.
Magugunitang nahaharap kasi sa tax fraud at gun charges si Hunter Biden kung saan maari itong makulong ng ilang taon.