-- Advertisements --
Hindi makikibahagi ang White House sa isasagawang impeachment hearing ng House Democrats.
Ayon sa mga abogado ni US President Donald Trump, kanilang susulatan ang House Democrats na nagsasaad ng hindi nila pakikibahagi sa nasabing impeachment hearing.
Inaasahan na anumang araw ngayong linggo ay ipapadala ng White House ang sulat kay House Speaker Nancy Pelosi.
Nauna nang binatikos ni Trump ang nasabing impeachment hearing at sinabing isa lamang itong pamumulitika dahil sa muli nitong pagtakbo sa nalalapit na halalan.
Magugunitang dalawang whistleblower na ang lumutang na nakasaksi sa pagtawag ni Trump sa Ukraine President kung saan pinapaimbestiga si dating US Vice President Mike Pence.