-- Advertisements --
Hindi ikinaila ng White House na nalulungkot sila at nadidismaya na dahil sa hindi pa umuusad ang isinusulong nilang ceasefire deal.
Ayon sa White House na patuloy ang kanilang panghihikayat sa panig ng Israel at Hamas para tumugon na sila sa nasabing ceasefire deal.
Aminado sila na hanggang sa ngayon ay wala silang katiyakan kung maisasakatuparan ba ang nasabing ceasefire.
Isa sa mga inihalimbawa nila ay ang pagkakadiskubre sa bangkay ng anim na bihag ng Hamas.
Pagtitiyak naman ng White House na hindi sila titigil kasama ang mediators na Qatar at Egypt para isulong ang nasabing ceasefire deal.