Pansamantalang isinailalim sa lockdown ang White House matapos magsagawa rin ng kilos protesta ang ilang mga residente bilang bahagi nang pagkagalit sa pagkamatay ng isang black American na si George Floyd sa kamay ng mga pulis sa Minneapolis.
Nagmartsa ang daan-daang mga raliyesta sa kalsada sa harapan ng White House.
Mahigit isang dosenang mga reporters ang agad namang inilikas patungo sa isang bahagi ng White House.
Isang nagpoprotesta ang kinustudiya ng Secret Service.
Ang nangyayaring protesta sa Washington ay matapos na kumalat ang mga pagkilos mula sa Minneapolis at iba pang mga estado.
Sa estado ng Atlanta, maging ang main office ng media giant na CNN ay inatake ng mga protesters.
Ilan sa mga ito ay pinagbabasag ang mga salamin at bintana ng CNN.
Ang iba naman ay gumamit ng mga bato at smoke grenades sa lobby ng tanggapan.
May mga insidente din na ilang sasakyan ng mga pulis ang sinunog.
Napilitan naman ang mga riot police na magpakawala ng tear gas at BB rounds upang pahupain ang galit na mga demonstrador at maitaboy sa lugar.
Ang nangyayaring kilos protesta ay sa kabila ng COVID-19 pandemic kung saan matinding tinamaan ng deadly virus ang Estados Unidos.