Inilatag ngayon ng White House ang ilan pang mga balakin sa pamamahagi kaugnay sa 55 million na COVID-19 vaccines sa iba’t ibang mga bansa.
Sinasabing ang 75% ng mga doses ng bakuna ay may alokasyon patungong Latin America at Caribbean, Asia at Africa sa pamamagitan ng COVAX international vaccine-sharing program.
Sa ilalim ng plano ng Amerika ang Pilipinas ay kabilang sa ilang mga bansa na makikinabang sa programa ng COVAX sa pamamagitan ng direct sharing.
Sa kabuuan ang ilang napiling bansa sa Asya ay mabibigyan ng 16 million shots ng vaccine.
Una nang ipinangako ni US President Joe Biden ang donasyon na 80 million US-made vaccines sa mga bansa.
Sa matitirang 55 million doses, ang 41 million ay idadaan sa COVAX ng WHO, at ang tinatayang nasa 14 million ay mapupunta sa Latin America at Caribbean, habang ang 16 million ay ibibigay sa ilang bansa sa Asia, at nasa 10 million naman ay patungong Africa.
Sa naturang 55 million doses ay magmumula ang supply nila sa Pfizer Inc, Moderna Inc, at Johnson & Johnson shots.
Habang ang AstraZeneca ay inaantay pa ang go-signal sa kanilang Food and Drug Administration.
Ayon pa sa White House ang 25% o katumbas ng 14 million doses ay paghahatian ng mga tinaguriang “regional priorities,” kabilang daw ang Colombia, Argentina, Iraq, Ukraine, West Bank at Gaza.
Inamin naman ni White House spokeswoman Jen Psaki mababalam ngayong ang paghahatid ng Amerika sa mga doansyon ay dahil sa tinatawag na problema sa “logistical issues,” kabilang na ang maayos na pag-iimbak nito para hindi masira.