-- Advertisements --
Ipinagtanggol ng White House ang ilang mga polisiya na ipinatupad ni US President Donald Trump.
Sa kauna-unahang briefing ng White House na pinangunahan ni White House Press Security Karoline Leavit matapos ang isang linggo mula ng maupo si Trump ay inisa-isa nito ang mga hakbang ng administrasyon ni Trump.
Una rito ay ang pagpapalayas sa mga migrants kung saan tanging layon ng gobyerno ay tuluyang mapalayas ang mga migrants na nahaharap sa kaso.
Maging ang pansamantalang pagtigil sa federal founding ay sinabi niya na hindi maaapektuhan ang mga direct assistance sa mga mamamayan ng US.