-- Advertisements --

Itinuturing na ngayon ng White House na nasa pagpapasya na ngayon ng Hamas kung sila ay tutugon sa ceasefire deal nila ng Israel.

Ayon kay US Secretary of State Antony Blinken, na nagkaroon na sila ng ilang serye ng pag-uusap kasama ang mga mediators gaya ng Qatar at Egypt.

Nakikita rin nito na may ilang mga kondisyon na nagkakasundo ang dalawang panig.

Una ng sinabi ng Hamas na pinapatagal ng Israel ang pagtugon sa ceasefire deal kaya marami itong hirit na mga kondisyon.

Magugunitang ilan sa mga kondisyon sa pagkabilang panig ay ang pagpapalaya sa mga bihag at ang tuluyang paglayas ng Israel defense forces sa Gaza.