-- Advertisements --

Dinala na ni US First Lady Jill Biden sa White House ang alaga nitong pusa na si Willow.

Nakuha ng two-year old gray tabby ang pangalan nito sa lugar kung saan lumaki ang First Lady sa Willow Grove, Pennsylvania.

Ayon sa press secretary ng unang ginang na si Michael LaRosa na unang nakita ng First Lady ang pusa noong ito ay nangangampanya sa taong 2020.

Umakyat na lamang ito sa stage kung saan nagaganap ang pangangampanya at naging maamo agad sa unang ginang.

Dahil dito ay makakasama na nito si Commander ang pure-breed German Shepherd puppy na inampon ni US President Joe Biden noong Disymebre.

Magugunitang namatay na ang 13-anyos na German Shepherd ng US President na si Champ noong Hunyo habang inalis ang isa pang aso nito na si Major matapos na mangagat ng isang empleyado ng White House.