-- Advertisements --

Ikinadismaya naman ng White House ang naging desisyon ng China sa hindi pakikibagi sa gagawing imbestigasyon ng World Health Organization.

Sinabi ni White House press secretary Jen Psaki na isang napaka-iresponsable at delikado ang naging pahayag na ito ng China.

Mismong si US President Joe Biden ang nag-utos sa kaniyang mga aide noong Mayo na magsagawa ng imbestigasyon sa tunay na pinagmulan ng COVID-19.

Kabilang na nais na tuklasin nila kung totoo nga bang galing sa leak sa laboratoryo o sa mga hayop.