-- Advertisements --
Naniniwala ang White House na magiging mabunga ang pulong nina US Secretary of State Antony Blinken kay Chinese Vice President Han Zheng.
Isasagawa ang pagpupulong sa pagdalo ng Chinese official sa United Nation General Assembly na ginaganap sa New York.
Ang nasabing pag-uusap ay matapos ang ginawang pagpapalit ni Chinese President Xi Jinping sa Foreign minister nito na si Qin Gang na ang ipinalit ay ang beteranong policymaker na si Wang Yi.
Una ng nakapulong ni Wang Yi si US National Security adviser Jake Sullivan sa Malta.
-- Advertisement --
Una ng iginiit ng US na nais nilang maging bukas ang linya ng komunikasyon nila sa China para maibsan ang tensiyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa.