-- Advertisements --

Hindi na nagkomento ang White House sa inilabas na mga affidavit ng US Department of Justice sa ginawa nilang pag-raid sa residential estate ni dating President Donald Trump sa Mar-a-Lago, Florida.

Sinabi ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre, na ipapaubaya na lamang nila sa Justice department ang imbestigasyon.

Sa inilabas na 38-pahina na affidavit na mayroong “probable cause” sa paglabag sa federal laws matapos na iligal na paglabas ng mga dokumento mula sa White House.

Mayroon aniya silang ebidensiya na ang mga mahahalagang dokumento o classified documents ay basta na lamang itinago sa hindi ligtas na lugar.

Sa 14 ng 15 kahon na natanggap ng National Archives na inilabas ni Trump sa White House matapos ang kaniyang termino ay naglalaman ng mga classified information.

Mayroong 25 dokumento sa nasabing kahon ang naglalaman ng mga impormasyon na tinaguriang “top secret”.

Mariing pinabulaanan ni Trump ang nasabing akusasyon ng mga judges na nag-apruba ng search warrant at handa aniya itong makipagtulungan sa mga imbestigador na inatasan.