-- Advertisements --

Pansamantalang itinigil ng White House ang kautusan nilang pag-freeze ng mga federal grants at loans.

Kasunod ito sa naging kautusan ng isang judge na temporaryong pagtigil ng nasabing kautusan hanggang sa susunod na Martes.

Nagtungo kasi sa korte ang grupo ng mga recepients at kanilang inihain ang pagpapatigil ng kautusan.

Agad naman na inatasan ng acting head ng White House budget office ang mga ahensiya na pansamantalang itigil ang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa obligasyon o disbursement ng lahat ng mga federal financial assistance.

Layon aniya ng kanilang opisina para mabigyan ang bagong administrasyon ng oras na ma-assess kung anong grants at loans ang maaapektuhan.

Magugunitang nitong Lunes ay inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pagtigil sa mga federal grants at loans para mabawasan ang mga gastusin ng gobyerno.