-- Advertisements --

Pinayuhan na ng White House ang mga federal workers na paghandaan ang shutdown.

Ayon kay White House Press Secretary Karine Jean-Pierre, na sila na mismo at hindi mga ahensiya ang nagbigay ng abiso para sa posibilidad ng government shutdown.

Nakausap na rin aniya ni US President Joe Biden sina Senate Majority Leader Chuck Schumer at House Minority Leader Hakeem Jeffries kung saan sinabi nito na dapat timbangin ang mga pangyayari.

Naiintindihan aniya ng pangulo kung paano ang trabaho ng kongreso dahil hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng government shutdown ang US.

Magiging restricted din ang transition activities kung magpapatuloy ang government shutdown sa susunod na taon.

Magugunitang ilan sa mga options na nakikita ngayon ng mga House Republicans sa ginawa nilang pulong ay ang hatiin ang panukalang batas na ang isa ay palawigin ang government funding ng hanggang Marso at ang isa ay hatiin din ang hurricane disaster relief aide at palawigin ang agriculutural industry support.

Ang shutdown ay nangangahulugan na ilang milyong empleyado ng gobyernoang hindi mababayaran ngayong Pasok at mahihintio ang lahat ng mga non-essential, discretionary functions ng US government.

Magugunitang kinontra ng mga taga US House ang funding measures ni US President elect Donald Trump na hindi ito nakakuha ng two-thirds na majority para maipasa.