-- Advertisements --
Nagkaroon umano ng bahagyang alitan si White House press secretary Stephanie Grisham at mga North Korean security staff.
Ito ay kasunod ng hindi pagpayag na papasukin ang ilan sa mga media na bitbit ni US President Donald para sa pakikipagpulong kay North Korean leader Kim Jong Un.
Naganap ang hindi pagkakaunawaan sa labas mismo ng kuwarto kung saan nagpupulong ang dalawang lider.
Magugunitang nagtungo si Trump sa Demilitarized Zone (DMZ) si Trump para kausapin si Kim.
Liban dito tumuntong din si Trump sa lupain ng NoKor para itala ang makasaysayang unang lider ng US at sitting president na gumawa nang naturang hakbang.