-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si White House press Secretary Jen Psaki.

Sinabi nito na nahawaan lamang siya matapos na magpositibo sa virus ang kasamahan nito sa bahay.

Huling nakasama nito si US President Joe Biden noong nakaraang Martes bago magtungo sa G20 Summit sa Scotland.

Paglilinaw ni Psaki na nakakaranas na lamang ito ng mild symptom at nagtatrabaho pa rin kahit naka-isolate.