-- Advertisements --

Nagpositibo sa coronavirus si White House Press Secretary Kayleigh McEnany.

Sinabi nito na mula pa noong nakaraang linggo ay halos araw-araw itong sumasailalim sa COVID-19 testing at negatibo naman.

Nitong Lunes lamang ng hapon ng sumailalim ito sa pagsusuri ay lumabas na positibo na ito.

Hindi aniya ito nakakaranas ng anumang sintomas ng virus.

Wala aniyang mga miyembro ng reporters, producers o mga press ang nakalista sa close contacts mula sa White House Medical Unit.

Dahil dito ay nagpasya na itong sumailalim sa quarantine ng ilang araw.