-- Advertisements --
Photo © PIA
Photo © PIA

CENTRAL MINDANAO – Gagawing Hospital ang White House Provincial Capitol sa Buluan Maguindanao.

Ito ang kinumpirma ni Maguindanao Governor Elect Bai Mariam Sangki Maguindanao.

Ang bagong nahalal na Gobernadora ay mag-oopisina sa saradong Provincial Capitol sa Shariff Aguak Maguindanao na ginawa na lamang kampo ng mga sundalo.

Ayon kay Bai Mariam, Ito aniya ang nakasaad sa batas bunsod na rin na ang bayan ng Shariff Aguak ay ang tunay na sentro ng Maguindanao.

Unang minungkahi ni Sangki-Mangudadatu kasabay ng kanyang pangangampanya na bubuksan niya muli ang kapitolyo sa Shariff Aguak kung maihalal na Gobernador.

Inabandona ang kapitolyo sa Shariff Aguak matapos ang nangyaring karumal-dumal na masaker sa Sitio Masalay Brgy Salman Ampatuan Maguindanao na ikinasawi ng 58 katao kabilang na ang 32 Media.

Matatandaan na binuksan ang Kapitolyo sa Shariff Aguak noong 2009 at panauhing pandangal si dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa administarasyon ni late Governor Andal Ampatuan Sr. Sinasabing nagkakahalaga ito ng ₱218-million.

Plano ngayon ni bai Mariam na gawing Hospital ang White House sa Buluan o ang bagong gawang Provincial Capitol.

Nagkakahalaga ng 500 milyon pesos ang bagong kapitolyo sa bayan ng Buluan na bago lamang binuksan na pinangunahan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni incumbent Governor Esmael “Toto” Mangudadatu.

Maka-apat na beses nang inilipat-lipat ang Provincial Capitol ng Maguindanao,una sa bayan ng Pagalungan,Sultan Kudarat,Shariff Aguak at Buluan Maguindanao.