-- Advertisements --
Tiniyak ng isang opisyal ng White House na magkakaroong ng mapayapang transition kapag opisyal ng kilalanin bilang pangulo si Joe Biden sa nagdaang halalan.
Ayon kay National Security adviser Robert O’Brien, na determinado sila at magiging pormal ang turn-over.
Pagtitiyak nito na kapag mayroon ng bagong adminsitrasyon ay bibigyan nila ito ng pagkakataon ng maagang maimplementa ang kanilang polisiya.
Magugunitang hindi pa rin tinatanggap ni US President Donald Trump ang kaniyang pagkatalo kung saan kaniyang kinukuwestiyon ang dayaan sa nasabing halalan.