Natanggap na umano ng White House ang liham ng US House Judiciary Committee ukol sa pagkalap ng mga dokumento ukol sa nilulutong impeachment ng mga Democrats laban kay US President Donald Trump.
Sa pahayag ni White House press secretary Sarah Sanders, rerebyuhin na umano ng Counsel’s Office at ng mga White House officials ang nasabing sulat.
Nakatakda namang umanong tumugon dito ang White House sa angkop na panahon.
“The House Judiciary Committee’s letter has been received by the White House. The Counsel’s Office and relevant White House officials will review it and respond at the appropriate time,” wika ni Sanders.
Sinabi na rin ni Trump na handa raw itong makipagtulungan sa mga otoridad, sabay giit na wala raw nangyaring sabwatan sa pagitan nila ng Russia noong 2016 elections.
“It is all a hoax. You’re going to learn about that as you grow older. It’s a political hoax. There’s no collusion.”
Una rito ayon kay House Judiciary Committee Chairman Jerry Nadler, balak nilang manghingi ng dokumento mula sa 60 indibidwal bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon ukol sa umano’y pangkakadawit niton sa korupsyon lalo na sa pang-aabuso sa kapangyarihan.