-- Advertisements --

MIAMI – Nagtala ng record si Hassan Whiteside bilang may pinakamaraming rebounds sa isang season sa kasaysayan ng franchise ng Miami Heat.

Bumida si Whiteside sa panibagong panalo ng Heat dahil sa kanyang 23 points at 14 rebounds para makabangon sa kanilang pagkatalo.

Gayunman kinailangang alisin si Whiteside sa huling bahagi ng game bunsod ng pagdurugo ng kanyang injury sa middle at ring finger.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon dahil noong 2014-15 season doon din siya nagkaroon ng injury at hindi nakalaro ng tatlong games.

Sa ngayon si Whiteside ay nakatipon na ng 936 rebounds sa loob ng 66 games o mas abanse ng dalawa kumpara sa NBA great na si Rony Seikaly sa loob ng 79 games nito noong 1991-92.

Ang ibang players na tumulong din sa Heat (35-36) ay sina Tyler Johnson na may  17 points, nag-ambag naman si Goran Dragic ng 16, si Josh Richardson ay nagbuslo ng 14 at si Willie Reed ay nagtapos naman sa 12.

Sa panig ng Suns (22-49), si Marquese Chriss ay merong 24 para matikman ng Phoenix ang ika-limang sunod-sunod na pagkatalo.