-- Advertisements --
Kasama ang pangalan ng pumanaw na singer na si Whitney Houston sa nominado na maging 2020 Rock & Roll Hall of Fame.
Ang nasabing nomination ay base na rin sa ginawang botohan ng 1,000 artists, historians at members ng music industry.
Makakasama ng pumanaw na superstar ang 16 na iba pa na pinangunahan ng Dave Matthews Band, The Doobie Brothers, Motorhead, T-Rex, pumanaw na Notorious B.I.G. , Nine Inch Nails, Depeche Mode, Judas Priest, Kraftwerk, MC5, Chaka Khan at Todd Rundgren.
Inaanunsiyo ang inductees sa buwan ng Enero sa susunod na taon.
Isasagawa ang ceremony sa Cleveland sa Mayo.