Nagsama ang World Health Organization (WHO) at United Nations (UN) para mabilis na makamit ng mga bansa ang COVID-19 vaccination targets.
Pinangunahan ni WHO Director-General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus at UN Secretary-General Antonio Guterres ang paglunsad ng “Strategy to Achieve Global COVID-19 vaccination”.
Layon ng nasabing programa na sa kalagitnaan ng 2022 ay magkaroon na ng sapat na suplay ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga bansa.
Para aniya makamit ito ay dapat unahin na bakunahan ang mga may edad na, mga health workers at mga high-risks groups sa lahat ng edad.
Kailangan ng 11 bilyon doses ng bakuna para mabakunahan ang 70 percent na populasyon ng mundo.
Nitong Setyembre lamang kasi ay nasa anim na bilyon doses ang naiturok sa buong mundo sa 1.5 bilyon doses na bakuna ang ginagawa sa kada buwan.