-- Advertisements --
May babala ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na bigong magpatupad ng mga health protocols para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na mas lalong matatagalan ang nasabing mga bansa na labanan ang virus dahil sa hindi na nila ito agad naagapan.
Kumpara aniya sa ibang mga bansa na gumagawa ng paraan gaya ng pagpatupad ng physical distancing at pagsuot ng mga face mask ay mas mababang magkaroon ang mga ito ng kaso ng coronavirus.
Umaabot na kasi sa mahigit 10.5 million katao ang nadapuan ng coronavirus sa buong mundo kung saan mahigit kalahating milyon na ang nasawi.