-- Advertisements --
graph cases daily
Source: Worldometer

Binalaan ng World Health Organization (WHO) ang mga kabataan na sila ay maaaring makapitan din ng coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na hindi dapat ipagsawalang bahala ng mga kabataan ang COVID-19.

Posibleng ikamatay din ng mga bata ang virus kapag sila ay nakapitan.

Ang pahayag ni Dr. Tedros ay kasunod na rin ng mga obserbasyon na mas maraming matatanda ang nahawa at namamatay dahil sa coronavirus.

Samantala, nagbigay naman ang WHO ng 1.5 million na lab tests sa mga bansa para palakasin ang paglaban sa pandemic.

WHO tedros
WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus

“Young people are not invincible from #COVID19. The #coronavirus could put you in hospital for weeks, or even kill you. Even if you don’t get sick, the choices you make about where you go could be the difference between life and death for someone else,” ani Dr. Tedros. “I’m grateful that so many young people are spreading the word & not the virus. Solidarity is the key to defeating #COVID19 – solidarity between countries, but also between age groups. Thank you for heeding our call for solidarity, solidarity, solidarity.”