-- Advertisements --
Ginawaran ng World Health Organizatin (WHO) ng emergency use ang Covaxin COVID-19 vaccine.
Nitong Enero ay inaprubahan ng India ang nasabing bakuna habang patuloy na isinasagawa ang clinical trials.
Ayon sa Bharat Biotech, ang gumawa ng bakuna na mayroong 78% efficacy ang kanilang bakuna.
Itinuturing naman ng ilang milyong Indians na isang malaking kaginhawaan ang pag-apruba ng WHO ng bakuna dahil sa mahigit 105 milyon doses Covaxin na ang naiturok.