Personal na naranasan ni World Health Organization (WHO) Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang ginawang air-strike ng Israel sa Yemen.
Sinabi nito na habang papasakay na sila sa eroplano mula sa Sanaa Airport ng isinagawa ng Israel ang air strike.
Dalawa ang nasawi at isang crew ng eroplano ang nasugatan.
Nagtamo ng damyos ang air traffic control tower at departure lounge.
Nakaligtas naman ang mga kasamahan nito sa United Nations at WHO kung saan kailangan pa nilang hintayin na maayos ang mga nasira sa paliparan para sila ay tuluyang makaalis.
Nasa Yemen ang WHO chief para sa negosasyon ng pagpapakawala ng staff ng UN at obserbahan ang kalagayan ng bansa.
Noong Hunyo kasi ay 13 mga staff members ng UN ang ikinulong ng Houthis sa Yemen matapos ang ginawa nilang crackdown.