-- Advertisements --

Pinasinungalingan ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus ang pahayag ni US Secetary of State Mike Pompeo na malaki ang utang nito ng loob sa China kaya nananatili ito sa puwesto.

Ayon sa WHO chief, na hindi katanggap-tanggap ang alegasyong ito ni Pompeo.

Naka-focus aniya ang WHO sa pagligtas ng mga buhay at hindi masisira ang kanilang focus.

Muli nitong inulit ang kaniyang babala na ang pinakambigat na banta ng kasalukuyang krisis ay ang politicization ng pandemic.

Nanawagan na lamang ito ng pagkakaisa para malabanan na lamang ang virus.