Nagbabala ang World Health Organization sa mga bansa na sinusubukang hulaan kung hanggang kailan magtatagal ang pagdudusa ng mga ito na dulot ng coronavirus pandemic.
Ayon kay WHO emergencies director Dr. Mike Ryan, posible umanong manatili ang virus sa kabila ng mga ginagawang research tungkol sa gamot na maaaring gamitin panlaban dito.
“It is important to put this on the table: this virus may become just another endemic virus in our communities, and this virus may never go away,” wika ni Dr. Ryan sa isinagawang online briefing.
“I think it is important we are realistic and I don’t think anyone can predict when this disease will disappear,”
“I think there are no promises in this and there are no dates. This disease may settle into a long problem, or it may not be.”
Halos 300,000 katao na sa buong mundo ang namatay dahil sa virus at pumalo na ng 4.3 million ang dinapuan ng naturang sakit sa buong mundo.
Mahigit 100 potential vaccines naman ang kasalukuyang dinedevelop ng mga laboratoryo ngunit sinabi ni Dr. Ryan na may mga existing na sakit na hindi na nawala kahit may gamot na para sa mga ito.
Kakailanganin din umano ng pagkakaisa ng bawat bansa at mamamayan para kontrolin ang pagkalat pa ng coronavirus.