-- Advertisements --

Boluntaryong nag-self isolate si World Health Organization (WHO) director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus matapos na may nakasalamuha itong nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi nito na kahit na wala itong sintomas at maganda ang pakiramdam ay kailangan pa rin niya itong mag-isolate.

Bilang protocol matapos na kilalanin bilang contact person ng COVID-19 positive ay nag-isolate na lamang ito.

Dagdag pa ng 55-anyos na dating Ethiopian foreign minister na sa ganitong paraan ay mapuputol ang hawaan ng nasabing virus.

Tiniyak naman nito na siya ay magtatrabaho pa rin kahit na naka-isolate sa kaniyang bahay.